Hindi
na naituloy ni Michael ang sasabihin dahil biglang pumasok ang isang
lalaki sa kwarto at umupo sa gitna sa may mesa ng mga professor.
Bata pa pala ang professor nila sa business math. Mga nasa edad 29
lang siguro o trenta ang taong ito. Parang laging laman ng gym ang
katawan, semikal ang buhok at matangkad. Ang tanging kapintasan sa
professor nila ay ang pekas nito sa may bandang mata na parang bunga
ng operasyon. Medyo kirat ito pero lalong nakadagdag sa tikas at
gandang lalaki nito.
“Good
Morning.”
Good
Morning. Korus ng buong klase na
parang nasa elementarya.
“Guys,
ako ng pala si Mr. Baseul. Ako ang professor niyo sa business math sa
semester na to.” sabay hawak ng whiteboard marker at sulat ng
pangalan sa whiteboard. Makikita mo ang buo niyang pangalan na si
JOHN KENTON BASUEL na puro malalaking titik.
“So
a little background about myself first then I'll throw the ball tapos
ikaw naman ang magpapakilala to loosen up a little bit. Hindi lang
puro numero ang business math. Negosyo din. Pano mo ibebenta ang
sarili mo sa harap ng klase, let me see later.” sabay tingin kay
Michael na siyang ikinakaba ni Michael. “John Kenton Basuel came
from a middle class family. Im a certified Batangueno. Single but
looking. Finished accountancy in this school and an MBA in Yale
University. I'm a lecturer also in other schools in Manila and also a
partner of a known firm here in the Philippines which you don't need
to know since you're all not accountancy students. I like sports like
basketball, volleybal, indoor tennis, bowling and darts. I bored
board games kahit na sabi nila dapat nga daw yun ang sports ko dahil
matalino ako. I tried it once pero boring. I tried basketball, dun
ako nabubuhayan.” tumawa siya na parang may ibang kahulugan. Panay
naman ang kilig ng mga kababaihan na nasa harapan ng upuan namin ni
Leri. “May negosyo din ako which is online jobs. Kung meron sa inyo
dito ang naghahanap ng part time job, pwede niyo kong iapproach then
lets do the interview if you are fit in my company. Later, if you are
interested, hanapin niyo ko sa faculty then I can schedule you for an
interview right away. Pero sorry girls, male students lang ang need
ngayon. Last year, girls ang opening, ngayon mga lalaki naman.”
paliwanag pa ng professor.
“Teka
ano pa ba?” nag isip kunwari. “Not particular kung anong
gagamiting language sa class. I prefer both English and Tagalog basta
magkakaintindihan tayo. In terms of teaching, gusto ko sa estudyante
yung palaging nasa class ko. Ayoko nung absent palagi. Active
participation syempre kahit papano saka yung kapag may favor ako
about the subject, available or willing to accept the tasks.”
“Ok
siguro tama na muna yun. I'll explain the house rules later. I'll
pass the ball to...” naghahanap ng ituturong estudyante. “You!
Ikaw...” sabay turo kay Michael.
Ito
na nga ba ang kutob niya. Kanina pa siya tinitignan ng professor kaya
malamang siya ang tatawagin nito. Wala siyang magawa kundi tumayo at
magpakilala.
“Ah...eh...I'm
Michael San Jose. Transferee from an exclusive school. I like sports
too sir, basketball, swimming, bowling also and archery.” nakita
niyang parang hindi naniniwala ang mga classmate niya sa kanya.
“Archery is my sports in my previous school and I like to join the
archery club here if I have a time this week. Math is not my favorite
subject. Online games is my favorite hobby so sir please expect me
later because I'm looking for a part time job right now.” sabay
tawa ng mga classmates niya at ganun din si Michael.
“Good
Michael. Now I have one potential employee.” sabay tawa ni Mr.
Basuel. “Can you pass the ball now?”
“Ok.
I pass the ball to my seatmate on the right.”
Tumayo
agad si Leri pagkasabi nito ni Michael. Nagulat naman si Michael
dahil sobrang bilis ng response ng katawan ni Leri at tumayo agad ito
hindi pa man siya nakakaupo.
“I'm
Celerio Horalde De Vera the second. Grandson of the founder of De
Vera Group of Companies.”
Napatingin
lahat kay Leri ang mga tao pati si Michael. Hindi niya inakalang
bigatin pala ang katabi niya. De Vera Group of Companies ay isang
chain of companies na wala na yatang hindi pinasok na linya ng
business. Kahit anong produkto at services ang isipin mo, meron
silang affiliates na ganyan.
“You
can call me Leri or CH for short. I like sports too, any kind, name
it especially Archery like my seatmate. I am a premium member of the
archery club in this school and we will be in charge for training of
everyone who would like to join the Archery Club anytime soon.
Favorite subject is History but I major Business Management because
my grandfather wanted to. Now, I pass the ball to that girl...”
sabay turo sa pinakaunang babae sa harapan.
Habang
nagsasalita ang babae sa harapan ay hinarap ni Michael si Leri at
pabulong na kinausap.
“Pre,
bigatin ka pala eh. Hindi ka naman nagsasalita.”
“Hindi
ka naman nagtanong eh” sabad nitong sagot.
“Wow.
Oo nga pala haha. Tapos myembro kapa ng archery club.? Wala ng
training ah, pasok agad! Ibig sabihin talagang magaling ka dun kasi
ikaw pa magtetrain sa mga new members.”
“Yup.
Try it pre. Akong bahala sa application mo. Ako pa mag train sayo sa
professional archery. Malay mo hindi mo na kailangan ng part time
job, school pa ang mag pay ng expenses mo if you are really good.”
“Thanks
pre. Sige i'll do the try outs kapag nagpost na kayo ng schedules”
“Ok.
Hintayin kita.”
Magaling
magdiscuss si Mr. Basuel. Detailed ang mga instructions at linear ang
purposes ng mga formula kaya madali ding nakukuha ng mga estudyante.
Hindi naman maalis ni Michael sa pag iisip ang part time job na
pwedeng I offer ng professor. Mahilig pa naman siya sa mga online
games at sana nakalinya ito sa ganung hobbies niya para madali niyang
matapos ang trabaho. Kailangan niya talaga kumita ng pera bukod sa
ipapadala ng mama niya. Madami siyang gastos at bayarin din sa
school. Pinangako niya sa mama niya na matututo siyang magbanat ng
buto at magtatrabaho.
“Ok
class. See you on Wednesday. Sinabi ko na ang reference books niyo
ha, buy it later para sa wednesday eh may masasagutan na kayo. You
can either buy it in our school bookstore, in national bookstore or
even outside the campus. For those interested in part time job, see
me later mga 2pm in this room. Michael, i'll expect you there.”
Tumango
lang si Michael at lumabas na ang professor.
“Kain
tayo pre. Treat ko.” anyaya ni Leri.
“Nakakahiya
naman Leri. Bago pa lang tayo magkakilala eh treat mo na ko?”
“Ok
lang yun. Magiging future clubmate na din naman kita eh, so ngayon pa
lang bonding na tayo.”
“Sabagay.
Sige pero wag muna treat. Some other time na lang. KKB muna.”
“Ano
ung KKB?”
“Kanya
kanyang bayad muna tayo. Saka na lang ang treat kapag may special
occasion.” paliwanag ni Michael.
“Okay
sige yan ang gusto mo. Tara, tara, dun tayo sa canteen.”
Naglakad
sila patungo sa canteen. Madadaanan nila ang engineering department
dahil nakalugar ito bago ang malaking canteen ng campus. Madalas
kasing ang laman ng malawak na canteen ay ang mga engineering
students din na puro maiingay dahil halos karamihan ay lalaki. Kung
makakita ka naman ng babae ay mangilan ngilan lang ang tunay talagang
babae. Halos lahat ay puro tibo. Malakas ang dagundong ng tawanan sa
bawat classroom ng mga engineering students. Maririnig talaga ang
tawanan at wala ni isa sa mga ito ang seryoso sa pag aaral.
Lumabas
sa isang pinto ang apat na kalalakihan na mukhang mga engineering
students. Nakikilala ni Michael ang likod ng isa sa mga ito. Tiyak
niyang si Reyn ang lalaking matangkad at nakatali ang buhok. Nasa
likod lamang sila ni Leri kaya tinawag niya ito.
“Reyn!”
nagulat si Leri sa tawag nito ni Michael. Napalingon naman ang apat
na lalaki sa likod nila.
“O!
Michael pre. Kamusta first day?” sabay apir sa kasama at akbay.
“Ok
naman pre. Math nga unang subject! Eto si Leri classmate ko
dun....Leri si Reyn, kaboardmate ko.”
“Ui
Leri!” sabay abot ng kamay. “Kamusta brad.”
Inabot
ni Leri ang kamay ni Reyn at nakipagkamay. “Ok lang.”
“O
pano Kel, una na kami.” sabi ni Reyn. “ay teka,
Michael...Leri...eto nga pala mga bodyguards ko. Ehem...” pabirong
pagpapakilala ni Reyn sa tatlong kasama.
“Ang
kambal na sina Alex at Adam, tapos si Carlo..” turo ni Reyn sa
tatlo. “So una na kami Kel, Leri... pasensya na may gagawin pa kami
eh.”
“Sige
ok lang” sabay alis ng apat.
Malayo
ng nakakalakad sila Reyn, Alex, Adam at Carlo ng magsalita si Carlo.
“Pre.”
tawag pansin sa tatlo. “Delikado yung ka boardmate mo Reyn. Kasama
si Leri. Diba nababalitang KGU yun?. Hindi niyo ba napagsabihan yung
bago niyong kaboardmate?”
“Hindi
ko nga nasabi pre eh.” sisi ni Reyn sa sarili. “Pero alam ko
sasabihin naman yun ni Luis kung hindi ko sabihin kasi pareho sila ng
college nun”
“O
eh bakit nagkaganyan? Napasama sa KGU?” ingil pa ng isang kambal.
“Ewan
ko talag pre. Natimingan lang siguro yan si Michael. Eh tutal ganyan
naman talaga ang trip nilang lokohin eh. Yang mga tipo na yan ni
Michael.”
“Basta
pag uwi niyan mamaya sabihin niyo na sa kanya para hindi na
mapahamak.” sabi ni Alex.
“Oo
naman. Wa-warningan ko na yan dyan sa Leri na yan. Mukhang mabait
pero malademonyo kung mangtrip”
“Hindi
lang Malademonyo. Demonyo talaga!” ani pa ni Carlo. “Eh yung
kaboarding house ko nga dati eh, napakabait pa nun pero astigin din.
Nadali nila at napagtripan nilang KGU, bigla na lang nawala iniwan
lahat ng gamit. Kala namin nawawala, pero ayun nakatanggap kami ng
text na nakatira na daw sya sa kaibigan niya kasi lumipat daw ng
bahay. Pinamigay ung mga gamit niya lahat sa amin”
“Ikaw
ba Carlo eh naniniwala ka ba dun?” tanong ni Adam.
“Naku
Adan! Ako pa lokohin mo. Hindi ko lang alam yung trip ng KGU na yan
pero balita ko nawawala din daw ung mga napagtitripan nila. Hindi daw
talaga nila titigilan hanggat hindi umaalis ng campus”
“Malalaman
mo na lang wala na dito” dagdag pa ni Reyn.
4:00
PM. Desidido talaga si Michael na patulan ang trabahong inaalok ni
Mr. Basuel. Sa palagay niya ay madali naman ito dahil online jobs daw
ang titulo sa pagkakarinig niya. Pagpasok niya sa classroom, tanging
si Mr. Basuel lang ang nandoon.
“Sabi
ko na nga ba eh ikaw lang ang may interes mag apply” bati ni Mr.
Basuel.
“Ako
pa lang po ba?” tanong ni Michael na umupo sa harap malapit sa
professor.
“Ikaw
lang. Tingin ko wala ng darating dahil mag thirty minutes na din ang
nakakaraan. Akala ko nga eh di ka din dadating”
“Mukha
nga sir. Baka mayayaman mga tao dito kaya hindi na nila kailangang
part time job”
“Siguro.”
sabay tingin sa relo. “O sya dahil ikaw lang. Punta na tayo sa
interview place, sa office ko. Gamitin na lang natin yung kotse ko
dahil balak ko sana kung marami kayo eh ipapasundo ko kayo ng
service”
“O
sige sir. Ok lang ba nakauniporme pa ko eh.”
“Ok
lang yan. Tara na.” anyaya ni Mr. Basuel.
Sumunod
naman si Michael sa may garahe at sa loob ng sasakyan ni Mr. Basuel
na tinted. Lingid sa kaalaman ni Michael ang intensyon ng propesor.
Hindi din napapansin ng binata ang unti unting umuumbok na harapan ni
Mr. Basuel habang tinitignan siya bago ipaandar ang makina ng
sasakyan....
….....Itutuloy
hello po///d na talaga ito nasundan...ganda pa man din ng kwento...bka pwedi na pong sundan...
ReplyDeletewala na po ba itong kasunod? sayang naman. :)
ReplyDeleteGud Day. wala pa po ba ung kasunod nito? sobrang bitin eh. Astig ng story :))
ReplyDeletekelan po ito masundan....
ReplyDeletepar 6 pleeeeeeeeeeeeeaseeeeeeeeeeeeee!!!
ReplyDeletesana tuloy tuloy ang update. ;)
san na ang kasunoddD??????????????????????????????????????????
ReplyDelete